My Most Favorite Korean Dramas Of All Time

My Most Favorite Korean Drama


Madami na akong napanood na Korean Drama simula noong high school ako. Hindi ko na mabilang sa daliri kung ilan na ba lahat ng napanood ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang nakakaadik, siguro dahil sa kakaibang kilig na dala ng mga bumibida sa mga drama na to. Sawa na din ako sa kwentong may magkasintahan na pilit pinaghihiwalay ng mga magulang dahil sa magkaibang estado ng buhay nila. Maaapi yung bida, mamamatay yung kontrabida, may sasabog na bus, aakalain patay yung bida, tapos magugulat ka buhay pala, yung kontrabida kahit nakaladkad na ng kung anong sasakyan na hindi ko na maalala, buhay pa din. Siguro alam niyo na kung anong drama to (kaway kaway mga 90's kid). Kaya siguro nahuhumaling ako sa mga K-drama kase karamihan sa kanila feel good stories lang. Di masyadong mabigat sa pakiramdam. Syempre meron din namang kwentong korean drama na halos katulad ng sinabi ko, pero ewan ko ba kung anong magic ang dala nila sa akin at mas gusto kong manood ng mga drama nila. O sige di ko na papatagalin pa, kwento ko na lang yung ilang mga tumatak sa isip at sa puso ko, kung hindi niyo pa napapanood medyo ma-spoil kayo sa mga sasabihin ko, you've been warned!

Disclaimer: Hindi ako magaling sa mga movie or series reviews, gusto ko lang magkwento talaga =)

1. Endless Love Autumn in My Heart


Heart felt scene of  Song Hye-kyo and Song Seung-heon in Autumn in my Heart

Siguro nagtataka kayo kung bakit ito ang una sa listahan ko kahit sinabi ko na gusto ko ng feel good series lang. Ito kase ang unang K-drama na nagpaiyak nang todo sa akin, first episode pa lang ga-timba na ang iniluha ko dahil sa palabas na ito. Nakakadala ang iyak ni Jenny habang nagpapaalam kay Johnny huhu! oo Jenny at Johnny ko sila nakilala, hindi ko alam ang pangalan nila sa original na korean drama dahil tagalized ang napanood ko. Hindi pa uso noong araw ang magdownload ng series, wala din naman kaming internet noon. Hindi ko na binalak panoorin pa ulit yung original, yung hindi tagalized, dahil ayoko na ma-broken hearted. Kwento ito ng dalawang magkapatid, wait there's more, akala lang nila magkapatid sila kase napagpalit si Jenny sa ibang batang babae, di ba medyo pamilyar na story line? After ilang years, magkikita sila at ayun na magsisimula ang pagsubok nila sa pagmamahalan, kung kaya ng puso mo ang mga mabibigat na eksena, panoorin mo ito, kung sanay ka na madurong ang puso, panoorin mo ito!

2. Full House


The four main characters of Full House Korean Drama (2004) namely, Song Hye-kyo, Song Seung-heon, Han Eun-jung and Kim Sung-soo


"May Tatlong Bear sa Loob ng isang Bahay.Si Papa bear, si Mama Bear at si Baby Bear.

Si Papa Bear ay Malakas,
Si Mama Bear ay Maganda,
Si Baby Bear ay Napakaliksi.

Tingnan nyo ang Saya - saya.

Sinong ba naman ang hindi makakalimot sa kantang ito! Tagalized ko napanood ang full house. Tapos noong nauso na ang mga torrent ayun paulit ulit kong pinanood, madaming beses! Ito talaga ang masasabi kong feel good lang. Kwento ito ng isang celebrity na si Justine at isang simpleng writer na si Jesse. Nagsimula ang love story nila nang ibenta ng mag-asawang kaibigan ni Jesse ang bahay niya, habang siya ay nasa bakasyon. Si Justine ang nakabili ng bahay ni Jesse. Sa kagustuhan ni Jesse na mabawi ang bahay ng pamilya niya, pumayag siya sa isang marriage contract with Justine. Sobrang kilig ang naramdaman ko sa panonood nito, at napakadaming tawa. May mangilan-ngilan na eksena na nagpaiyak sa akin pero angat pa din talaga ang kilig at katatawanan. Pinakagusto ko na eksena yung nagcamping silang dalawa sa labas lang ng bahay, yung time na nagtapat na si Justine ng nararamdaman kay Jesse! Gustong-gusto ko din yung mga eksenang nagpapacute si Justine kay Jesse dahil na-fall na sya! Kung gusto mo lang na makilig ng sobra sobra, I highly recommend this drama! 

3. Princess Hours

The Princess Hours Koread Drama Cast - Yoon Eun-hye, Ju Ji-hoon, Song Ji-hyo and Kim Jeong-hoon


"Pag-ibig na kaya! Pareho ang nadarama, ito ba ang simula". Napakanta ka din ba kila Rachel Ann Go at Christian Bautista? Sila ang kumanta ng tagalized OST ng Princess Hours! Naalala ko bumili pa ng DVD yung kapatid ko para mapanood lang yung original. Ilang beses ko din itong pinanood. Sino pa ang nakakaalala kay Crown Prince Gian at Janelle? Oo, tama, tagalized ko na naman ito napanood noong araw. Kwento ito ng isang Prinsipe at isang normal na high school student na ipinagkasundo ng kanilang mga Lolo. Ang isa sa mga nagustuhan ko dito ay kung paano mamumuhay ang isang napaka-jolly na commoner, bilang isang Prinsesa. Pakiramdam ko nagkaron ng buhay ang palasyo nang manirahan si Janelle dito. Si Prince Gian naman, in love sya sa kanyang kababata na dumating sa punto na inaya na niya itong magpakasal. Pero dahil sa pangarap ng babaeng iyon (sorry nakalimutan ko na ang pangalan haha), tumangging magpakasal ito sa kanya. Pero nagpatuloy ang connection nilang dalawa sa kabila ng pagpapakasal ni Prince Gian kay Janelle, unang na-in love si Janelle kay Prince Gian. Syempre bida sila kaya na-in love din naman si Prince Gian kay Janelle. Hahaha! Sinabi ko naman na hindi ako masyadong magaling magreview ng mga palabas. Pero classic sa kilig din tong si Prince Gian at Janelle eh. Panoorin niyo to, after neto yung Kingdom naman! Crown Prince din si Gian dito!

4. Boys Over Flowers

The Boys Over Flowers Korean Drama Cast namely, Lee Min-ho, Ku Hye-sun, Kim Hyun-joong, Kim Bum and Kim Joon


Syempre hindi mawawala sa listahan itong Korean drama na to. Korean adaptation ng Meteor Garden! Naalala ko yung Meteor Garden kapag nakakatulog ako sa hapon at hindi ako ginising ng nanay ko tapos di ko napanood, iiyak ako talaga! Kaya di ko din ito pinalampas noong nalaman ko na magkakaron ng adaptation. Hindi na naman ako binigo ng mga Koreano! Pinakilig na naman nila ako ng bongga! Kahit kapatid ko in-love na in-love kay Lee Min Ho. Pero ako, hindi si Lee Min Ho ang pinapanood ko dito kundi si Ji Hoo! Minsan mas malapit talaga sa puso ko yung mga ka-love triangle ng mga bida eh, kase bukod sa gwapo sila, nakakaawa kapag hindi sila yung pinili huhu!

5. Crash Landing On You

Crash Landing On You Korean Drama cast, namely, Hyun Bin, Son Ye-jin, Seo Ji-hye and Kim Jung-hyun


Hindi rin naman mawawala sa listahan itong si Hyun Bin! Ang laki ng pinagbago niya from Kim Sam Soon at Secret Garden. Sobra akong naintriga sa North Korea dahil sa palabas na to. Kung hindi ba talaga uso ang rice cooker sa kanila! Balak kong magbasa basa about sa North Korea di ko pa lang nauumpisahan haha! Noong mga unang eksena di pa ako ginanahan pero noong tinangay na si Yoon Se-ri ng tornado papunta sa North Korea doon na talaga ako napatutok ng husto! Maiiba ang pananaw mo sa mga sundalo sa North Korea! Mapapamahal ka sa mga characters lalo na sa mga sundalo at mga North Korean woman na naging kaibigan ni Se-rin, nagbigay kulay lahat ng mga characters sa palabas. Nagustuhan ko din yung characters nila Seo Dan at  Gu Seung-jun. Sana bumida sila sa sarili nilang drama. Kinilig din kase ako sa kanila, may chemistry!

6. Itaewon Class

Itaewon Class Danbam Crew are Park Seo-joon, Kim Da-mi, Lee Joo-young, Kim Dong-hee, Ryu Kyung-soo and Chris Lyon


Ito ang pinakapaborito ko so far. Napakadaming bagay at aral na matutunan. Lahat na ata sakop ng palabas na to. Love, business, relationship to co-workers, being a good leader, gender diversity at racism. I love how Park Saeroyi handles his relationship with his subordinates, oh di ba napa-English na ako, medyo nakarelate din kase ako sa office. At noong natackle na yung topic ng gender diversity, about sa pagiging transwoman ni Hyun-yi, ang nasabi ko, "ay favorite ko na to". At noong nagkaron ng issue ng racism about kay Toni, ang nasabi ko naman, ay mas gusto ko na ito kaysa sa CLOY (opinyon ko lang naman ito haha). Isang bagay lang ang ikinalungkot ko sa palabas na to, si Oh Soo-ah. 15 years na meron silang pagtingin sa isa't isa pero nauwi sa wala. Sobrang sakit na ipinangako ni Saeroyi na gagawin niya ang lahat para mag-quit si Oh Soo-ah sa Jangga Group, pero bandang huli, na-in love din sya sa iba. Well, ipinakita lang din dito ang reality ng buhay at pag-ibig, na hindi dahil first love mo sya, ay kayo na hanggang sa huli. Pero ok na din ako sa ending ni Oh Soo-ah, ang gwapo kaya ni Park Bo-gum! Panoorin niyo nang malaman niyo kung bakit HAHA!

Ang dami ko pang nasa isip na mga K-Drama pero eto talaga ang tumatak sa isip ko. Kapag nagkaroon ako ng mas madaming oras, gagawa pa ako ng mas maayos na review tungkol sa mga nagustuhan ko na K-Drama, or kung nagbago na ang pinakapaborito ko. Kung may mairerecommend kayo sa akin na mga palabas, please write it in the comment section below!


49 Comments

  1. I love Full House! Went to school with Jesse's hairstyle. Lakas maka-college days!

    ReplyDelete
  2. I love all of them. I remember I was in college nung pinalabas ung Autumn in my Heart, I'm rushing to go home after my class kasi manood ng Korean drama.

    ReplyDelete
  3. Full House & Princess Hours are my classic picks!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Secret Garden din maganda, dami ko di naisama haha baka maging libro to kapag sinama ko lahat ahaha

      Delete
  4. Parang elementary pa ko nung pinalabas yung Autumn in My Heart at Full House! HAHAHA! Ang ganda nga ng story nila. Itaewon Class belongs to my all time fave Kdrama!

    ReplyDelete
  5. Ahh! CLOY, Full House, and BOF! <3 Pinipigilan ko mag Itaewon Class hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Why??? Ganda ng Itaewon Class huhu daming life lessons

      Delete
  6. Endless Love and Full House din sakin! 90s kid 😅 I'll still watch this over again if time will permit 😊

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana nga meron sa Netflix eh. Pero hirap talaga ako panoorin yung Endless Love ulitnkase ang sakit sakit. But Full house kung meron sa Netflix rewatch ko talaga

      Delete
  7. Jusko, napaghahahalata ang edad ko dito. ❤️

    ReplyDelete
  8. I remember watching Princess Hours during my college years and this somehow enticed me to watch other Korean series.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Princess Hours awaken my passion on fashion! Gandah ng costumes nila :)

      Delete
    2. Sobrang kilig na kilig ako sa kanilang dalawa ❤️

      Delete
  9. Waaah! Endless Love - Autumn in my heart yung unang kdrama ko na pinanuod. Si Jenny and Johnny. Tama ba?

    ReplyDelete
  10. full house, princess hours at cloy ang same tayo. ako naman only you ang isa sa mga 2 decade ago na fave ko. sa ngayon, aside sa cloy, hi bye mama. super love ko kasi si seowoo yung kid!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mumsh recent ko lang nalaman na lalaki pala si seowoo sa real life haha

      Delete
  11. sobrang nakakaiyak ang Autumn in my Heart pero love ko yung FullHouse kasi light lang sya. and of course the recent ones na CLoY and IC!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes mumsh sobra nakakaiyak, the full house naman full of kilig din

      Delete
  12. Yung 1-3 pinanuod ko yan tagalog dubbed pa sa ABS at GMA.. di pa ko mahilig sa kdrama nun.. tapos yung CLOY at IC napanuod ko na din... di ko alam kung ano meron sa mga kdrama at ang hirap na alisin sa sistema ko ngayon.. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha di ba, yung netflix account nga ng asawa ko, gunagamit ko din tapos takang taka sya kase puro kdrama nasa recommendation ng netflix haha

      Delete
  13. A lot of these series are familiar to me, all tough hindi ko na natapos yung iba. Nakakatawang panoorin ulit yung old kdramas though because of their hairstyles. Like paano naging uso yun? Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha yung kay Jesse ng full house pumapasok ako ng school with that hairstyle haha

      Delete
  14. first of all, I like your blog! I am a recent convert, and I know understand why people are hooked! I shall watch the ones on your list!

    ReplyDelete
  15. OMG NO. 3 and 4 yan rin favorite ko! At yan lang rin natatandaan ko. These new K-dramas nowadays, sometimes I am lost.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ngayon nga lang din ako nagcacatch up sa mga new kdramas hehe

      Delete
  16. FULL HOUSE is the bessst! Haha although I havent watched CLOY yet🤣 will definitely check out thee other dramas on this list. Thanks for sharing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for reading! And enjoy watching!

      Delete
  17. Thw first kdrama naman na I have watched is Princess Hours. Lol! Ang taas tuloy ng standards ko even when I was little.

    ReplyDelete
  18. Endless Love Autumn in my Heart is the first kdrama that made me cry so hard. Bata pa ako nun but I remember the scene- young Jenny was running after Johnny and the parents kasi iniwan siya sa real mom niya. Pumasok pa ako sa toilet to cry kasi ayoko makita nila mama.

    ReplyDelete
    Replies
    1. My gosh! Yan din yung tumatak sa utak ko huhuhu

      Delete
  19. 2, 3, and 4 napanood ko na and sila din ang nasa top ko siguro ^_^

    ReplyDelete
  20. i'm into kdrama as well .ng subsribe pa ko ng viu and netflix parang sa kdrama. . . in your list watching ako ng Itaewon Class. and the rest are all done :)

    ReplyDelete
  21. Watched all of those too. I started kdrama year 2003-4. Matagal-tagal na rin. Nagiba. a preference ko from cheesy romantic ones, nasa suspense thrillers na nila ako.

    ReplyDelete
  22. Kilig na kilig ako kay Ji Hoo dito haha

    ReplyDelete
  23. Napanood ko din po lahat yan momsh.😁😍 Ngstart din tlga ako mahook sa mga kdrama dahil kyPky jenny at johnny
    dinng endless love, kilig at iyak pinagdaanan ko sa kdrama na un.😁 Pantanggal stress na para saken ang mga kdrama.💙

    ReplyDelete
  24. Super abang dij po ako non before ng Boys over Flowers. Hahahaha! One of the frst KDrama Series I've been addicted to. Currently watching Itaewon Class!

    ReplyDelete
  25. Nakakamiss yung mga dating K Drama! Favorite ko din dati yung Endless Love Autumn in my Heart tska full house :) It reminds me so much of my childhood! Haaay nakakamiss..

    ReplyDelete
  26. Yung iniiyak ko sa CLOY grabe talaga mumshieee. Sana talaga may part 2 pa. Like makakapunta na ng SoKor yung mga kumare nya sa North. Para maexperience nila yung ife dun ni Yoon Se-ri. huhu

    ReplyDelete
  27. Seriously im torn between classics and new kdramas. But kudos to your list, these are all my all time favorite too! Some old but Gold and some are new but great!

    ReplyDelete
  28. Sara balikan ng mga classic K-dramas na ito. Madami nga po talagang nagagangdahan sa CLOY at Itaewon Class. This review made me decide to add it on my pending list. Thanks for sharing po!

    ReplyDelete
  29. My childhood is incomplete without Boys Over FLowers! I remember buying and collecting cards and souvenirs pa. Hahahahaha.

    ReplyDelete
  30. oh my lahat po ng nasa lists nyo paborito ko rin lalo na yung crash landing on you ni hyun bin. i also love watching kdrama.

    ReplyDelete